Martes, Hunyo 25, 2013

ANG PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA AT ARTIKULO NG RELIHIYON NG IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE

A .DEKLARASYON NG PANANAMPALATAYA
Kami, mga Obispo, Pari at layko, delegado ng Punong Assembliya ng Iglesia Filipina Independiente,  na ginanap sa Siyudad ng Maynila noong ika-5 ng buwan ng Augusto, taon ng Diyos 1947, na muling inihahayag sa publiko ang aming pananampalataya at nagsasabing:

KAMI AY NANINIWALA SA
1.     Banal na Santatlo
Iisang Diyos, totoo at buhay, na makapangyarihan, karunungan at kabutihan; ang Tagapaglikha at Nangangalaga sa lahat ng bagay na nakikita at di nakikita. At sa kabuoan ng pagka-Diyos ay mayroong tatlong Persona na may iisang katangian, kapangyarihan at walang-hanggan: Ang Ama, na di-nilikha o ini-anak; ang Anak na kaisa sa pagka-Diyos ng Ama, inianak at di-nilikha , ang Espiritu Santo na nagbubuhat sa Ama at Anak at di-nilikha.

2.     Hesukristo, ang iisang-bugtong na Anak ng Diyos
Hesukristo, ang iisang-bugtong na Anak ng Diyos, ang ikalawang persona ng Trinidad, tunay at walang hanggang Diyos, na nagbubuhat sa Ama, nagging tao at ipinanganak ng pinagpalang birhen sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Nagpakasakit sa kapanahunan ni Poncio Pilato, ipinako, namatay at inilibing. Nanaog sa impiyerno. Sa ikatlong araw ay muling nabuhay mula sa kamatayan,  umakyat sa langit and naluklok sa kanan ng Diyos-Amang Makapangyarihan; Siya ay muling babalik upang hukuman ang mga buhay at mga patay.

3.     Ang Espiritu Santo
Ang Espiritu Santo, ang Panginoon na nagbibigay-buhay, na nagmumula sa Ama at Anak: na kasama ng Ama at ng Anak. Sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak.

4.     Banal, Iisa, Katolika at Apostolikang Simbahan
Ang simbahan bilang Banal, Iisa, Katolika at Apostolika na Katawan ni Kristo, at itinatag ni Kristo para sa kaligtasan ng sangkatauhan at nagpapabanal sa sangkatauhan, at Siya rin ang nagkaloob ng kapangyarihang ihayag ang Kanyang Mabuting Balita sa mundo sa pamamagitan ng paggabay ng Espiritu Santo.

KAMI AY NANANATILI SA MGA NATURANG ARTIKULO
NG RELIHIYON NA ITINURO NG SIMBAHAN

B. ARTIKULO NG RELIHIYON

1.     Ang Kaligtasan
Ang kaligtasan ay makakamit sa pamamagitan ng taimtim ng pananampalataya kay Hesukristo, ang Anak ng Diyos, ang Panginoong at Tagapagligtas. Ang pananampalatayang ito ay mapatutunayan sa pamamagitan ng mabuting gawa.

2.     Ang Banal na Bibliya
Ang Banal na Bibliya ay nagsasaad ng lahat ng kinakailangan para sa kaligtasan at marapat na paniwaalan.

3.     Ang mga Kredo
Ang artikulo ng pananampalatayang Kristiyano sang-ayon sa nasasaad sa Sinaunang Kredo na kilala bilang Kredo ng mga Apostoles at Kredo ng Nicea ay kinakailangang ituro ng simbahan at tanggapin ng mga mananampalataya.

4.     Ang Sakramento
Ang Sakramento ay PANLABAS NA ANYO at NAKIKITANG PALATANDAAN ng ating pananampalataya at ang pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang Tapat na Kalooban upang igawad ang kanyang biyaya.

Dalawang Sakramento, ang Bautismo at ang Banal na Komunyon na tinaguriang ITINAKDANG PAGTITIPON ni Kristo ay nararapat na maisakatuparan para sa kaligtasan.

Ang BAUTISMO ay nararapat para sa kaligtasan. Ito ay tanda ng PAGLILINIS mula sa ORIHINAL NA KASALANAN at ang kasalanan sa kasalukuyan at nakaraan; upang maging anak ng Diyos at tagapagmana ng buhay na walang-hanggan at upang makapasok sa SIMBAHAN NG DIYOS. Ito ay isinasagawa gamit ang TUBIG sa pangalan ng AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO.

Ang KUMPIL ay ang pagpapatong ng MGA KAMAY NG OBISPO, PAGPAPAHID NG LANGIS, at PANALANGIN. Ang BINYAGANG KRISTIYANO ay palalakasin ng BIYAYA ng ESPIRTU SANTO at PAGPAPATIBAY sa pananampalataya.

Ang PENITENSIYA, ang pangungumpisal ng kasalanan ay itinakda ng Panginoong Hesukristo.

Ang Banal na Eukaristiya, ang Sakramento ng Katawan at Dugo ni Kristo, na tinanggap ng mananampalataya ay nagpapalakas at nagpapanimbago ng katawan at kaluluwa.

Ang OLEO para sa may-sakit, lalo na sa nasa bingit ng kamatayan, ay pinapahiran ng langis at hinahandugan ng panalangin. Siya ay tatanggap, kung nararapat, ng KAPATAWARAN NG KASALANAN, ang pagpapalakas ng kanyang kaluluwa, at kung kalooban ng Diyos, ay pagpapanumbalik ng kalusugan.

Ang BANAL NA ORDEN, ang sakramento na ang Obispo, Pari at Diyakono ay inordenahan at tumanggap ng kapangyarihan at awtoridad isagawa ang mga sagradong tungkulin.

Ang BANAL NA PAG-IISANG DIBDIB, ang sakramentong na kung saan ang lalaki at babae ay pinagsama sa Banal na Kalalagayan bilang mag-asawa.

5. Ang Banal na Eukaristiya
Ang Banal na Eukaristiya, o ang tinaguriang  Ang Misa, ay ang pangunahing gawain sa Kristiyanong Pagsamba. Ito ay Sakramento ng ating Kaligtasan mula sa kamatayan ni Kristo. Ang lahat ng nakikisalo ditto ay tumatanggap ng Katawan at Dugo ni Kristo. Ang lahat ng nagnanais namagkamit nito ay nararapat na magsuri sa kanyang sarili bago kumain ng TINAPAY at uminom sa KOPA. Sapagkat dakila ang kapakinabangan nito, kung may pusong-nagsisisi at may buhay na pananampalataya ang tumatanggap ng Sakramentong ito, mapanganib ang dulot ang sinumang hindi karapat-dapat.

Ang Misa ay nararapat na sabihin sang-ayon sa opisyal na linguwahe ng simbahan, sa pamamaraang napakikinggan at nauunawaan ng sumasamba.

Ang pinahihintulutang KAAYUSAN ng pagdiriwang ng Misa ay nakalagak sa AKLAT NG PANALANGIN na tanggap ng simbahan.

6. Banal na Ministriya
Mula sa Apostolikong panahon ay mayroong tatlong Kaayusan ng Ministriya sa Simbahan ng Diyos: Ang Obispo, Pari at Diyakono. Ang “Kaayusan” ito ay buong galang na pangangahalagahan at ipagpapatuloy ng simbahan. Walang sinumang kikilalanin bilang makatarungang Obispo, Pari at Diyakono ng simbahan o may pahintulot na magsagawa ng tungkuling ukol sa nabanggit, maliban na lamang kung siya ay “TINAWAG”, sinuri, siniyasat at tinaggap sang-ayon Saligang-Batas ng simbahan at sang-ayon sa Kaayusang ini-atas ng simbahan sa pagkakaloob ng Ordinasyon at Konsegrasyon sa pagiging Obispo, Pari at Diyakono.

7. Ang Hindi Pag-aasawa ng Pari
Ang mga Obispo, Pari at Diyakono ay hindi inutusan ng Diyos na mag-asawa o di-mag-asawa. Kaya nga,sila ay pinahihintulutang mag-asawa sang-ayon sa kanilang kagustuhan, sa ikapapanatili ng  matapat na paglilingkod at kabanalan.

8. Simbahang Gusali
Ang simbahang pinagsasambahan sa Diyos ay nakatayo at hiwalay sa mga hindi-banal, makamundo, na maaaring bigyang pitagan ang kaluwalhatian ng Diyos at maipamalas ang dakilang debosyon at mapagkumbabang paglilingkod.

9. Ang Altar
Ang Altar ay ang pinaka-sagradong lugar sa simbahan sapagkat naroroon ang presensiya ni Hesus. Ito ay sumisimbulo sa Bundok ng Kalbaryo, at kung ang mga imahe o estatwa ng mga santo ay ginagamit, ang mga naturang mga bagay ay hindi dapat nakagagambala sa isipan ng mga nananambahan sa Katauhan ni Hesukristo.

10. Ang Pagsamba, Ritual, at Seremonyas
Ang naturang mga “Kaayusan ng Liturhiya” na awtorisado ng simbahan lamang ang gagamitin sa Publikong Pagsamba, gayun pa man, ang Supremong Konseho ng mga Obispo ay maaaring magpahintulot sa mga espesyal na okasyon.

11. Ang Lingguwahe ng Pampublikong Kaayusan
Lahat ng pampublikong liturhiya ay isasagawa sa opisyal na lingguwahe ng simbahan, o nang ini-atas ng Supremong Konseho ng mga Obispo.


12. Ang Kadalisayan ng Buhay
Ang kabanalan, malasakit, ang pagsunod sa Katutusan ng Diyos, ang kasigasigan tungo sa Kanyang karangalan at kaluwalhatian ay tungkulin ng Orden at Layko, marapat na sila ay bihasa sa kalinisan at disiplinadong pamumuhay, hindi nakalilimot sa panananalangin, pag-aaral at sa pagsasabuhay ng moral na disiplina.

13. Ang Karunungan
Lahat ng katotohanan ay Diyos ang nakakaalam; kaya dapat na ang simbahan ay magsulong ng kaalaman at mabuting karunungan. Walang aklat na bawal maliban sa mga aklat na nakapipinsala sa mabuting moral ay ipinagbabawal.

14. Ang Pinagpalang Birhen
Ang Birheng Maria ay pinili ng Diyos na maging Ina ni Hesukristo, na si Hesus ay totoong Diyos at si Maria ay Ina ng Hesukristo, siya ay Ina ng Diyos. Kung papaanong si Maria ay sumasamba sa Diyos, ang Diyos din ang ating simsamba bago ang lahat.

15. Ang mga Santo
Ang mga indibiduwal na kinikilala nang dahil sa kanilang kabanalan, katapatan, katapangan, lalo na ang Pinagpalang Birhen at mga Santo sa Bagong Tipan, ay buong galang na inaala-ala. Ang paggalang sa mga Santo ay hindi taliwas sa utos ng Diyos na inihahayag sa Bibliya; subalit ang pagsamba sa kanila ay tinututulan ng simbahan bilang isang nakakikilabot na kalapastangan sa Diyos. Ang paggalang sa mga Santo ay hindi dapat magdulot ng kalihisan sa tungkulin na ang Diyos ang siyang direktang nilalapitan sa pamamagitan ni Hesukristo. Ang pagkilala sa mga Santo ay hindi dapat na makasira sa paggalang sa Tatlong Persona ng Banal na Santatlo.

16. Ang Milagro
Ang Banal na Bibliya ay nagtuturo sa atin ng mga pangyayari sa mundo, subalit, anumang hindi angkaraniwang pangyayari ay posible lamang  sa pamamagitan ng Banal na Kapangyarihan, katulad ng pagkakatawang-tao ni Hesukristo. Ang mga tinaguriang milagro na hindi dumaan sa masusing pagsusuri kundi sa kathang isip ay hindi kikilalanin. Ang paniniwala sa hindi makatotohanang milagro na nagdudulot lamang sa paganong paniniwala ay tututulan ng simbahan at ituturing na nakapaninira sa tunay na pananampalataya.

17. Ang Turing sa Romanong Simbahan
Nang ang simbahang ito ay humiwalay sa Romano Katolikong Simbahan, ay hindi na nito kinikilala ang awtoridad ng Papa at ang mga doktrina, kaugalian at gawain na salungat sa Salita ng Diyos, katuruan at mabuting konsiyensiya. Wala itong intensiyon na humiwalay sa KATOLIKONG Doktrina, Gawain at Disiplina na itinuro ng di-magpaghihiwalay na Ekyumenikal na Konseho ng simbahan. Ang mga pangyayaring paghiwalay ay nang dahil sa maling –pangyayari ng panahon, at marapat na ituwid ng opisyal na hakbang kung may pagkakataon, at nang ang simbahang ito ay magtungo sa daloy ng makasaysayang Kristiyanismo at  makilala ng mundo bilang tunay na sanga ng Katolikong Simbahan.





18. Ang Turing sa Ibang Simbahan
Kinakailangang maghanap ng  opurtunidad tungo sa malapit na kooperasyon sa ibang sanga ng Katolikong Simbahan, at taos-pusong makitungo sa lahat ng kumikilala kay Hesus bilang Panginoong at Tagapagligtas.

19. Ang Simbahan at Estado
Ang simbahan ay political na namumuhay ng sarili, hiwalay sa estado, at ang Estado sa simbahan. Ang simbahan ay hindi pumapanig sa anumang itinuturo ng political na pananaw at anumang samahang pampulitika. Ang miyembro ng simbahan ay malaya sa usaping political at marapat na mging mabuting ehemplo bilang isang mabuting mamamayan at gamitin ang kanilang impluwensiya tungo sa ikauunlad at ikabubuti ng Estado.

20. Ang Doktrina at Konstitusyon ng Simbahan at Pangunahing Kasulatan.
Ang “Doctrines and Constitutional Rules of the Philippine Independent Church” na kinilala noong ika-28 Oktubre taong-1903 ay kasunod na binago kasama ang “Fundamental Epistles of the PIC” ay hindi dapat pagsang-ayunan ng Kleriko at Layko ng simbahan sa usaping Doktrina, Disiplina at Kaayusan, na kung saan ay naiiba na ang nilalaman ng mga ito. Sila ay pahahalagahan bilang makasaysayang dokyumentong ipinalaganap ng mga nagtatag ng simbahan nang kanilang hinahanap ang pakahulugan ng pagiging Katoliko  sa pananampalataya, sa paraang mauunawaan ng tao. Sa ilalim ng inspirasyon ng Espiritu Santo, ang simbahan ay naghangad na itama ang mga pagkakamali ng hatol at doktrina bilang isang pagkukulang at opisyal na dokyumento sa nakalipas na panahon.


21. Dagdag, Pagbabago, at Pagpapawalang-Bisa

Ang “Declaration of Faith” ay hindi dapat baguhin, pagbutihin o ipawalang-saysay. Gayun pa man, ang “Articles of Religion” ay maaaring pagbutihin, ipawalang-saysay, o idagdag sang-ayon sa mayorya sa pamamagitan ng botohan ng delegado ng “General Assembly”. Ang ganitong hakbang bago maging tanggap sa simbahan ay aaprobahan ng Supreme Council of Bishops at Obispo Maximo.

4 (na) komento:

  1. Ang tatay ko po ay isang membro ng Aglipayan Church hanggang siya ay namatay, peru kaming mga anak ay katoliko romano,,,kung sasanib ako sa inyo may pagbabago ba sa mga doktrina?

    TumugonBurahin
  2. Maraming salamat sa artikulong ito malaking tulong sa reseach namin..

    NegosyongPinoy.info

    TumugonBurahin
  3. Betway Casino site review (2021) - LuckyClub Live
    Betway Casino: Get Up to $/€3000 Bonus with the best promotions, bonus codes and promotions. The mobile site is luckyclub very fast and has a great signup

    TumugonBurahin
  4. Casino in New Jersey - JTM Hub
    The first phase of the Jersey Casino will start on November 3, 부천 출장샵 2021. The state is expected to have the 김천 출장샵 industry 군산 출장샵 leading gambling 김해 출장샵 casino 서산 출장마사지 in the state.

    TumugonBurahin