A .DEKLARASYON NG PANANAMPALATAYA
Kami, mga Obispo, Pari at layko, delegado ng Punong Assembliya ng
Iglesia Filipina Independiente, na
ginanap sa Siyudad ng Maynila noong ika-5 ng buwan ng Augusto, taon ng Diyos
1947, na muling inihahayag sa publiko ang aming pananampalataya at nagsasabing:
KAMI AY
NANINIWALA SA
1.
Banal na
Santatlo
Iisang Diyos, totoo at
buhay, na makapangyarihan, karunungan at kabutihan; ang Tagapaglikha at
Nangangalaga sa lahat ng bagay na nakikita at di nakikita. At sa kabuoan ng pagka-Diyos ay mayroong tatlong Persona na may iisang katangian, kapangyarihan
at walang-hanggan: Ang Ama, na di-nilikha o ini-anak; ang Anak na kaisa sa
pagka-Diyos ng Ama, inianak at di-nilikha , ang Espiritu Santo na nagbubuhat sa
Ama at Anak at di-nilikha.
2.
Hesukristo,
ang iisang-bugtong na Anak ng Diyos
Hesukristo, ang
iisang-bugtong na Anak ng Diyos, ang ikalawang persona ng Trinidad, tunay at
walang hanggang Diyos, na nagbubuhat sa Ama, nagging tao at ipinanganak ng
pinagpalang birhen sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Nagpakasakit sa
kapanahunan ni Poncio Pilato, ipinako, namatay at inilibing. Nanaog sa
impiyerno. Sa ikatlong araw ay muling nabuhay mula sa kamatayan, umakyat sa langit and naluklok sa kanan ng
Diyos-Amang Makapangyarihan; Siya ay muling babalik upang hukuman ang mga buhay
at mga patay.
3.
Ang Espiritu
Santo
Ang Espiritu Santo, ang
Panginoon na nagbibigay-buhay, na nagmumula sa Ama at Anak: na kasama ng Ama at
ng Anak. Sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak.
4.
Banal, Iisa,
Katolika at Apostolikang Simbahan
Ang simbahan bilang
Banal, Iisa, Katolika at Apostolika na Katawan ni Kristo, at itinatag ni Kristo
para sa kaligtasan ng sangkatauhan at nagpapabanal sa sangkatauhan, at Siya rin
ang nagkaloob ng kapangyarihang ihayag ang Kanyang Mabuting Balita sa mundo sa
pamamagitan ng paggabay ng Espiritu Santo.
KAMI AY
NANANATILI SA MGA NATURANG ARTIKULO
NG RELIHIYON
NA ITINURO NG SIMBAHAN
B.
ARTIKULO NG RELIHIYON
1. Ang Kaligtasan
Ang kaligtasan ay
makakamit sa pamamagitan ng taimtim ng pananampalataya kay Hesukristo, ang Anak
ng Diyos, ang Panginoong at Tagapagligtas. Ang pananampalatayang ito ay
mapatutunayan sa pamamagitan ng mabuting gawa.
2. Ang Banal na Bibliya
Ang Banal na Bibliya ay
nagsasaad ng lahat ng kinakailangan para sa kaligtasan at marapat na
paniwaalan.
3. Ang mga Kredo
Ang artikulo ng
pananampalatayang Kristiyano sang-ayon sa nasasaad sa Sinaunang Kredo na kilala
bilang Kredo ng mga Apostoles at Kredo ng Nicea ay kinakailangang ituro ng
simbahan at tanggapin ng mga mananampalataya.
4. Ang Sakramento
Ang Sakramento ay
PANLABAS NA ANYO at NAKIKITANG PALATANDAAN ng ating pananampalataya at ang
pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang Tapat na Kalooban upang igawad ang kanyang
biyaya.
Dalawang
Sakramento, ang Bautismo at ang Banal na Komunyon na tinaguriang ITINAKDANG
PAGTITIPON ni Kristo ay nararapat na maisakatuparan para sa kaligtasan.
Ang
BAUTISMO ay nararapat para sa kaligtasan. Ito ay tanda ng PAGLILINIS mula sa
ORIHINAL NA KASALANAN at ang kasalanan sa kasalukuyan at nakaraan; upang maging
anak ng Diyos at tagapagmana ng buhay na walang-hanggan at upang makapasok sa
SIMBAHAN NG DIYOS. Ito ay isinasagawa gamit ang TUBIG sa pangalan ng AMA, ANAK
at ESPIRITU SANTO.
Ang
KUMPIL ay ang pagpapatong ng MGA KAMAY NG OBISPO, PAGPAPAHID NG LANGIS, at
PANALANGIN. Ang BINYAGANG KRISTIYANO ay palalakasin ng BIYAYA ng ESPIRTU SANTO
at PAGPAPATIBAY sa pananampalataya.
Ang
PENITENSIYA, ang pangungumpisal ng kasalanan ay itinakda ng Panginoong
Hesukristo.
Ang
Banal na Eukaristiya, ang Sakramento ng Katawan at Dugo ni Kristo, na
tinanggap ng mananampalataya ay nagpapalakas at nagpapanimbago ng katawan at
kaluluwa.
Ang
OLEO para sa may-sakit, lalo na sa nasa bingit ng kamatayan, ay
pinapahiran ng langis at hinahandugan ng panalangin. Siya ay tatanggap, kung
nararapat, ng KAPATAWARAN NG KASALANAN, ang pagpapalakas ng kanyang kaluluwa,
at kung kalooban ng Diyos, ay pagpapanumbalik ng kalusugan.
Ang
BANAL NA ORDEN, ang sakramento na ang Obispo, Pari at Diyakono ay inordenahan at
tumanggap ng kapangyarihan at awtoridad isagawa ang mga sagradong tungkulin.
Ang
BANAL NA PAG-IISANG DIBDIB, ang sakramentong na kung saan ang lalaki at
babae ay pinagsama sa Banal na Kalalagayan bilang mag-asawa.
5. Ang Banal na
Eukaristiya
Ang Banal na Eukaristiya,
o ang tinaguriang Ang Misa, ay ang
pangunahing gawain sa Kristiyanong Pagsamba. Ito ay Sakramento ng ating
Kaligtasan mula sa kamatayan ni Kristo. Ang lahat ng nakikisalo ditto ay
tumatanggap ng Katawan at Dugo ni Kristo. Ang lahat ng nagnanais namagkamit
nito ay nararapat na magsuri sa kanyang sarili bago kumain ng TINAPAY at uminom
sa KOPA. Sapagkat dakila ang kapakinabangan nito, kung may pusong-nagsisisi at
may buhay na pananampalataya ang tumatanggap ng Sakramentong ito, mapanganib
ang dulot ang sinumang hindi karapat-dapat.
Ang Misa ay nararapat na
sabihin sang-ayon sa opisyal na linguwahe ng simbahan, sa pamamaraang
napakikinggan at nauunawaan ng sumasamba.
Ang pinahihintulutang
KAAYUSAN ng pagdiriwang ng Misa ay nakalagak sa AKLAT NG PANALANGIN na tanggap
ng simbahan.
6. Banal na Ministriya
Mula sa Apostolikong
panahon ay mayroong tatlong Kaayusan ng Ministriya sa Simbahan ng Diyos: Ang
Obispo, Pari at Diyakono. Ang “Kaayusan” ito ay buong galang na
pangangahalagahan at ipagpapatuloy ng simbahan. Walang sinumang kikilalanin
bilang makatarungang Obispo, Pari at Diyakono ng simbahan o may pahintulot na
magsagawa ng tungkuling ukol sa nabanggit, maliban na lamang kung siya ay
“TINAWAG”, sinuri, siniyasat at tinaggap sang-ayon Saligang-Batas ng simbahan
at sang-ayon sa Kaayusang ini-atas ng simbahan sa pagkakaloob ng Ordinasyon at
Konsegrasyon sa pagiging Obispo, Pari at Diyakono.
7. Ang Hindi Pag-aasawa
ng Pari
Ang mga Obispo, Pari at
Diyakono ay hindi inutusan ng Diyos na mag-asawa o di-mag-asawa. Kaya nga,sila
ay pinahihintulutang mag-asawa sang-ayon sa kanilang kagustuhan, sa
ikapapanatili ng matapat na paglilingkod
at kabanalan.
8. Simbahang Gusali
Ang simbahang pinagsasambahan
sa Diyos ay nakatayo at hiwalay sa mga hindi-banal, makamundo, na maaaring
bigyang pitagan ang kaluwalhatian ng Diyos at maipamalas ang dakilang debosyon
at mapagkumbabang paglilingkod.
9. Ang Altar
Ang Altar ay ang
pinaka-sagradong lugar sa simbahan sapagkat naroroon ang presensiya ni Hesus.
Ito ay sumisimbulo sa Bundok ng Kalbaryo, at kung ang mga imahe o estatwa ng
mga santo ay ginagamit, ang mga naturang mga bagay ay hindi dapat nakagagambala
sa isipan ng mga nananambahan sa Katauhan ni Hesukristo.
10. Ang Pagsamba, Ritual,
at Seremonyas
Ang naturang mga
“Kaayusan ng Liturhiya” na awtorisado ng simbahan lamang ang gagamitin sa
Publikong Pagsamba, gayun pa man, ang Supremong Konseho ng mga Obispo ay
maaaring magpahintulot sa mga espesyal na okasyon.
11. Ang Lingguwahe ng
Pampublikong Kaayusan
Lahat ng pampublikong
liturhiya ay isasagawa sa opisyal na lingguwahe ng simbahan, o nang ini-atas ng
Supremong Konseho ng mga Obispo.
12. Ang Kadalisayan ng
Buhay
Ang kabanalan, malasakit,
ang pagsunod sa Katutusan ng Diyos, ang kasigasigan tungo sa Kanyang karangalan
at kaluwalhatian ay tungkulin ng Orden at Layko, marapat na sila ay bihasa sa
kalinisan at disiplinadong pamumuhay, hindi nakalilimot sa panananalangin,
pag-aaral at sa pagsasabuhay ng moral na disiplina.
13. Ang Karunungan
Lahat ng katotohanan ay
Diyos ang nakakaalam; kaya dapat na ang simbahan ay magsulong ng kaalaman at
mabuting karunungan. Walang aklat na bawal maliban sa mga aklat na
nakapipinsala sa mabuting moral ay ipinagbabawal.
14. Ang Pinagpalang
Birhen
Ang Birheng Maria ay
pinili ng Diyos na maging Ina ni Hesukristo, na si Hesus ay totoong Diyos at si
Maria ay Ina ng Hesukristo, siya ay Ina ng Diyos. Kung papaanong si Maria ay
sumasamba sa Diyos, ang Diyos din ang ating simsamba bago ang lahat.
15. Ang mga Santo
Ang mga indibiduwal na
kinikilala nang dahil sa kanilang kabanalan, katapatan, katapangan, lalo na ang
Pinagpalang Birhen at mga Santo sa Bagong Tipan, ay buong galang na inaala-ala.
Ang paggalang sa mga Santo ay hindi taliwas sa utos ng Diyos na inihahayag sa
Bibliya; subalit ang pagsamba sa kanila ay tinututulan ng simbahan bilang isang
nakakikilabot na kalapastangan sa Diyos. Ang paggalang sa mga Santo ay hindi
dapat magdulot ng kalihisan sa tungkulin na ang Diyos ang siyang direktang
nilalapitan sa pamamagitan ni Hesukristo. Ang pagkilala sa mga Santo ay hindi
dapat na makasira sa paggalang sa Tatlong Persona ng Banal na Santatlo.
16. Ang Milagro
Ang Banal na Bibliya ay
nagtuturo sa atin ng mga pangyayari sa mundo, subalit, anumang hindi angkaraniwang
pangyayari ay posible lamang sa
pamamagitan ng Banal na Kapangyarihan, katulad ng pagkakatawang-tao ni Hesukristo.
Ang mga tinaguriang milagro na hindi dumaan sa masusing pagsusuri kundi sa
kathang isip ay hindi kikilalanin. Ang paniniwala sa hindi makatotohanang
milagro na nagdudulot lamang sa paganong paniniwala ay tututulan ng simbahan at
ituturing na nakapaninira sa tunay na pananampalataya.
17. Ang Turing sa
Romanong Simbahan
Nang ang simbahang ito ay
humiwalay sa Romano Katolikong Simbahan, ay hindi na nito kinikilala ang
awtoridad ng Papa at ang mga doktrina, kaugalian at gawain na salungat sa
Salita ng Diyos, katuruan at mabuting konsiyensiya. Wala itong intensiyon na
humiwalay sa KATOLIKONG Doktrina, Gawain at Disiplina na itinuro ng
di-magpaghihiwalay na Ekyumenikal na Konseho ng simbahan. Ang mga pangyayaring
paghiwalay ay nang dahil sa maling –pangyayari ng panahon, at marapat na ituwid
ng opisyal na hakbang kung may pagkakataon, at nang ang simbahang ito ay
magtungo sa daloy ng makasaysayang Kristiyanismo at makilala ng mundo bilang tunay na sanga ng
Katolikong Simbahan.
18. Ang Turing sa Ibang
Simbahan
Kinakailangang maghanap
ng opurtunidad tungo sa malapit na
kooperasyon sa ibang sanga ng Katolikong Simbahan, at taos-pusong makitungo sa
lahat ng kumikilala kay Hesus bilang Panginoong at Tagapagligtas.
19. Ang Simbahan at
Estado
Ang simbahan ay political
na namumuhay ng sarili, hiwalay sa estado, at ang Estado sa simbahan. Ang
simbahan ay hindi pumapanig sa anumang itinuturo ng political na pananaw at
anumang samahang pampulitika. Ang miyembro ng simbahan ay malaya sa usaping
political at marapat na mging mabuting ehemplo bilang isang mabuting mamamayan
at gamitin ang kanilang impluwensiya tungo sa ikauunlad at ikabubuti ng Estado.
20. Ang Doktrina at
Konstitusyon ng Simbahan at Pangunahing Kasulatan.
Ang “Doctrines and
Constitutional Rules of the Philippine Independent Church” na kinilala noong
ika-28 Oktubre taong-1903 ay kasunod na binago kasama ang “Fundamental Epistles
of the PIC” ay hindi dapat pagsang-ayunan ng Kleriko at Layko ng simbahan sa
usaping Doktrina, Disiplina at Kaayusan, na kung saan ay naiiba na ang
nilalaman ng mga ito. Sila ay pahahalagahan bilang makasaysayang dokyumentong
ipinalaganap ng mga nagtatag ng simbahan nang kanilang hinahanap ang
pakahulugan ng pagiging Katoliko sa
pananampalataya, sa paraang mauunawaan ng tao. Sa ilalim ng inspirasyon ng
Espiritu Santo, ang simbahan ay naghangad na itama ang mga pagkakamali ng hatol
at doktrina bilang isang pagkukulang at opisyal na dokyumento sa nakalipas na
panahon.
21. Dagdag, Pagbabago, at
Pagpapawalang-Bisa
Ang “Declaration of
Faith” ay hindi dapat baguhin, pagbutihin o ipawalang-saysay. Gayun pa man, ang
“Articles of Religion” ay maaaring pagbutihin, ipawalang-saysay, o idagdag
sang-ayon sa mayorya sa pamamagitan ng botohan ng delegado ng “General Assembly”. Ang ganitong
hakbang bago maging tanggap sa simbahan ay aaprobahan ng Supreme Council of
Bishops at Obispo Maximo.